MANILA, Philippines – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang sheriff ng Bacolod City Regional Trial Court sa isa na namang karahasang naganap noong Miyerkules ng madaling-araw sa bayan ng Silay, Negros Occidental. Batay sa report na nakarating sa Camp Crame, lulan ng puting Toyota Corolla ang biktimang si Sergio Tabusares, 48, nang barilin ng dalawang ulit sa ulo ng ’di-pa kilalang lalaki. Pinaslang ang biktima sa loob ng kotse at iniwan sa gilid ng highway malapit sa Teresita Jalandoni Memorial Hospital. - Joy Cantos