^

Probinsiya

10 NPA todas sa bakbakan

-

MANILA, Philippines – Umaabot sa 10 rebeldeng New People’s Army ang iniulat na napatay ng tropa ng militar matapos ang madugong sagupaan sa liblib na bahagi ng Brgy. Kabantao, sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur kahapon ng umaga.  Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nasabat ng tropa ni Lt. Col. Dennis Gammad ng 36th  Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army, ang grupo ni alyas Ka Tata, bandang alas-8 ng umaga kung saan tumagal ng isa’t kalahating oras. Sa kasagsagan ng bakbakan ay 10-rebelde ang napatay matapos iwanan ng kanilang mga kasamahang NPA habang wala namang naiulat na nasugatan sa panig ng military. Matapos na humupa ang palitan ng putok, nakuha sa encounter site ang isang M14 rifles na may bandoleer, shotgun, iba’t ibang uri ng landmine at mga subersibong dokumento. - Joy Cantos


AGUSAN

BRGY

CAMP CRAME

DENNIS GAMMAD

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KA TATA

KABANTAO

MATAPOS

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with