Mayor grabe sa ambus
NUEVA VIZCAYA, Philippines – Nakikipaglaban kay kamatayan ang alkalde ng Maconacon, Isabela matapos na ratratin ng nag-iisang lalaki sa harapan ng Alejandro Computer Shop sa Barangay Caritan Centro, Tuguegarao City, Cagayan kahapon ng hapon. Kinilala ni P/Chief Supt. Roberto Damian, ang biktima si Maconacon Mayor Francisco Talosig na inoobserbahan sa St. Paul Hospital. Batay sa imbestigasyon, lulan ng Hundai van (SFA 795) si Talosig kasama ang security escort na si PO2 Ferdinand Allauigan at dalawang Sangguniang Bayan member nang maganap ang pananambang kung saan tinamaan sa kanang leeg ang biktima. Kabilang sa sinisiyasat ay ang anggulong hidwaan sa pulitika. Victor Martin
- Latest
- Trending