5 dedo sa dengue

MANILA, Philippines - Lima-katao ang inulat na nasawi sa kabuuang 35-kaso ng outbreak  sa sakit na dengue sa ilang ba­rangay sa Iloilo City, ayon sa ulat kahapon.

Sa report na tinanggap kahapon ng Office of Civil Defense, nabatid kay Mayor Jerry Trenas, na ang pina­kahuling biktima ay isang 3-anyos na si Ann Sheryn Zamora ng Iloilo City.

Nabatid na tumaas ang bilang ng kaso ng dengue sa kanyang nasasakupang lung­sod kung kaya inatasan na nito ang mga kinauukulan na paigtingin ang kampanya upang sugpuin ang pagkalat ng virus.

Patuloy naman ang pag­susuri ng mga kinauukulang ahensya ng lokal na pama­halaan para sugpuin ang pananalasa ng lamok kung saan may dalang dengue.

Samantala, pinayuhan ng mga opisyal ang mga mamamayan na mag-ingat laban sa dengue at iba pang delikadong sakit tulad ng AH1N1 influenza virus na nakaapekto sa 23-bansa. Joy Cantos

Show comments