Nobya tinodas; councilor nag-suicide

CAVITE, Philippines – Winakasan ng isang municipal councilor ang sariling buhay matapos barilin at ma­patay ang kanyang kasin­tahan sa bayan ng Men­dez kamakalawa ng ha­pon.

Kinilala ni P/Senior Insp. Egbert Tibayan, Mendez police chief, ang nag-suicide na si Councilor Enrique Nuestro, 69, biyudo, ng Barangay Ano­ling, Cerca 2 at ang pina­tay na kasintahan na si Regina Bunag, 24, entertainer, tubong General Ma­riano Alvarez, Cavite.

Batay sa ulat ng pulisya, lumilitaw na nagkasigawan ang magkasintahan mata­pos bisitahin ni Nuestro, si Bunag sa  apartment nito sa Zenisal Compound, Interior Barangay Galicia 2 bandang alas-12:20 ng tanghali. 

Ayon kay Teresa Mahu­say, isa ring entertainer at housemate ni Bunag, na­saksihan nito na binaril sa ulo ni Nuestro si Regina habang nag-uusap sa may dining table.

“Nagtatalo sila kasi pa­rang gusto nang makipag­hiwalay ni Regina kay kon­sehal  hanggang sa mag­kasumbatan sila,” paha­yag ni Mahusay sa pu­lisya.

Matapos mabaril ni Nuestro si Bunag, sinalo nito ang duguang nobya sa kaliwang braso bago naman nagbaril sa ulo gamit ang kanang kamay.

Isinugod pa sa Ospital ng Tagaytay ang dalawa pero idineklarang patay si Bunag pagdating sa emer­­gency room, saman­talang namatay naman si Nuestro bandang alas-4:40 ng hapon. Arnell Ozaeta

Show comments