LINGAYEN, Pangasinan, Philippines – Umaabot sa siyam na mangingisda na lulan ng malaking fishing vessel ang iniulat na nawawala makaraang pumalaot sa karagatang sakop ng Scarborough Shoal noong Linggo ng Mayo 10. Kabilang sa mga mangingisdang nawawala ay sina Jomar Bajar, Jimmy Bajar, Israel Dumas, Wilson Etac, Julius Aripin, David Querobin, Manuel Dumas, Jr., Ariel Samante, at si Bernardo Veayun, pawang mga residente ng Barangay Cato sa bayan ng Infanta, Quezon. Patuloy naman ang rescue operation sa mga biktima. - Cesar Ramirez