^

Probinsiya

60 habambuhay sa rapist na ama

-

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines – Animnapung ulit na habam­buhay na pagkabilanggo ang inihatol ng korte laban sa isang obrero na napatunayang humalay sa kanyang anak na ba­bae simula Mayo 1998 hanggang Peb 2003 sa Barangay Sa­pang Palay, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa 27-pahinang desisyon ni Judge Andres Soriano ng Malolos City Regional Trial Court Branch 13, bukod sa 60 beses na habambuhay na kulong ay pinagbabayad din ang akusadong si Rodolfo Tulagan y Patayan ng P150,000 sa bawat kaso.

Base sa record ng korte, sinimulang halayin ang biktima sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na barangay noong Mayo 10, 1998 hanggang Pebrero 11, 2003.

Binalewala naman ng korte ang alibay ng akusado bagkus bini­gyan ng timbang ang testimonya ng biktima kung saan pina­totohanan ng ulat mula sa National Bureau of Investigation na may naganap na panghahalay.

Wala naman maipakitang ebidensya ang akusado para pabulaanan ang akusasyon ng kanyang anak kaya nag­desis­yon ang korte na hatulan kung saan umabot sa 60 kaso ng rape.

Hindi naman kaagad naipagbigay-alam ng biktima sa ki­ na­uukulan ang insidente dahil sa pagbabanta ng kanyang ama.

Nakakuha naman ng tiyempo ang biktima na maisiwalat ang insidente sa kanyang ina matapos umalis at mamasukan ang kanyang ama sa ibang bayan. - Boy Cruz


vuukle comment

ANIMNAPUNG

BARANGAY SA

BOY CRUZ

BULACAN

JUDGE ANDRES SORIANO

MALOLOS CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RODOLFO TULAGAN

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with