LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army ang isa na namang cellsite ng Globe Telecommunications sa panibagong paghahasik ng karahasan sa Barangay San Vicente sa bayan ng Gigmoto, Catanduanes, kamakalawa. Bandang alauna ng madaling-araw nang lusubin ng mga rebelde ang cellsite kung saan binuhusan ng gasolina ang ilang kagamitan. Kabilang sa mga nasunog ay dalawang aircon at iba pang gamit. Pinaniniwalaan namang pangingikil ng revolutionary tax sa pangasiwaan ng Globe Telecoms ang motibo ng panununog ng mga rebelde. - Ed Casulla