Mag-utol natusta sa sunog

MANILA, Philippines – Malagim na kamatayan ang sinapit ng mag-utol na bata makaraang makulong ng apoy sa nasusunog nilang tahanan sa Barangay Canlandog sa bayan ng Murcia, Negros Occidental kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga biktima na sina Angelo Louie Panuela, 3 at Angielyn Panuela, 5. Sa ulat ni P/Chief Insp. Rico San­totome Jr., tagapagsalita ng Negros Occidental Provincial Police Office, naganap ang insidente bandang ala­una ng madaling-araw sa Purok Paho kung saan sinasabing natumbang gasera kaya kumalat ang apoy. Nabigo naman ang ina na si Analyn na iligtas ang da­lawang anak dahil sa biglaang paglaki ang apoy. - Joy Cantos


Show comments