Mag-utol natusta sa sunog
MANILA, Philippines – Malagim na kamatayan ang sinapit ng mag-utol na bata makaraang makulong ng apoy sa nasusunog nilang tahanan sa Barangay Canlandog sa bayan ng Murcia, Negros Occidental kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga biktima na sina Angelo Louie Panuela, 3 at Angielyn Panuela, 5. Sa ulat ni P/Chief Insp. Rico Santotome Jr., tagapagsalita ng Negros Occidental Provincial Police Office, naganap ang insidente bandang alauna ng madaling-araw sa Purok Paho kung saan sinasabing natumbang gasera kaya kumalat ang apoy. Nabigo naman ang ina na si Analyn na iligtas ang dalawang anak dahil sa biglaang paglaki ang apoy. - Joy Cantos
- Latest
- Trending