2 Marines patay sa ambush

MANILA, Philippines – Dalawang sundalo ng Philippine Marines ang iniulat na napaslang makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s  Army sa bisinidad ng Barangay Kemdeng, sa bayan ng San Vicente, Palawan kamakalawa ng hapon. Kinilala ang mga biktima na sina Pfc Eugene Navarro at Pfc Rouel Leporad, kapwa miyembro ng Marine Battalion Landing Team 9. Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Marine Commandant Major Gen. Ben Dolorfino, dakong alas -2 ng hapon noong Biyernes nang ratratin ang mga biktimang lulan ng motorsiklo. Magugunita na noong Disyembre 2008 ay tatlo ring sundalo ng Philippine Marines ang inambus sa Binga, San Vicente.

- Joy Cantos

Show comments