LA TRINIDAD, Benguet, Philippines – Sinalakay ng mga awtoridad ang kauna-unahang pabrika na gumagawa ng marijuana brick sa liblib na bahagi ng Kayapa sa bayan ng Bakun noong Huwebes (Mayo 14).
Sa ulat ni PDEA-Cordillera officer-in-charge P/Chief Insp. Edgar Apalla, nasamsam ang isang malaking metallic quadrilateral cylinder, anim na metallic square-sized separator plates at isang wooden compressing jack, kung saan pino-process ang marijuana brick.
Sa loob lamang ng ilang minuto ay maaring makagawa ng 20 kilong marijuana brick ang nasabing pabrika.
Sinunog naman ng mga awtoridad ang 40,600 full-grown marijuana plants at 4,000 buto ng marijuana (P8, 280,000) mula sa apat na plantasyon malapit sa nasabing pabrika.
Nasamsam din ang anim na kilong buto ng marijuana na nagkakahalaga ng P150,000 mula sa plantasyon sa mga Sitio Nalusbo at Palicdan,sa Kayapa subalit wala naman naabutang tao. - Artemio A. Dumlao