CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isang 73 anyos na lola na si Eulalia Cuambot Mangubat ang namatay nang pagsasaksakin siya ng apo niyang si Felicisimo Mangubat habang natutulog siya sa kanyang kuwarto sa kanilang bahay sa Barangay Palobandera, Cawayan, Masbate kahapon ng madaling-araw.
Nadakip naman ng pulisya kinalaunan si Mangubat na nasa hustong gulang na at hininalang nasa impluwensya ng bawal na gamot nang paslangin niya ang biktima.
Napag-alaman na ang biktimang lola ay paralisado na dahil ito ay inatake ng altapresyon kaya hindi na ito makakilos sa kanyang higaan. (Ed Casulla)