^

Probinsiya

2 lider ni Bravo sumuko

-

MANILA, Philippines - Dumanas ng panibagong dagok ang grupo ng pasa­ way na si Moro Islamic Li­beration Front Commander Abdul­rahman Macapaar alyas Commander Bravo matapos na sumuko sa militar ang dalawa niyang battalion commander at tatlo pang tauhan sa Marawi City, Lanao del Sur kamakalawa.

Sa report na tinanggap kahapon ni Army Chief Lt. Gen. Delfin Bangit, kinilala ang sumukong rebelde na si Lomantong Bagonte alyas Totong/Commander Agila.

Ayon kay Army Spokesman Lt. Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., si Commander Agila ang tumatayong lider ng 1st Battalion ng 212th Brigade sa ilalim ng 102nd Base Command ng grupo ni Commander Bravo.

Si Bravo, may patong sa ulo na P10 milyon ay wanted sa batas kaugnay ng madu­gong pag-atake sa apat na bayan ng Lanao del Norte noong Agosto ng nagdaang taon.

Kinilala ang isa pa na si Ribogar Babolaket Mabaning alyas Eddie, Deputy Battalion Commander at tatlo pang mga tauhan nito. (Joy Cantos)

ARMY CHIEF LT

ARMY SPOKESMAN LT

ARNULFO MARCELO BURGOS JR.

BASE COMMAND

COMMANDER

COMMANDER AGILA

COMMANDER BRAVO

DELFIN BANGIT

DEPUTY BATTALION COMMANDER

FRONT COMMANDER ABDUL

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with