Bus vs trike: 2 tinedyer dedo
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Dalawang tinedyer ang sinalubong ni kamatayan samantalang dalawang iba pa ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyan nilang traysikel sa pampasaherong bus sa bayan ng Candelaria, Quezon kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni SPO2 Menardo Del Mundo, ang dalawang nasawi na sina Jomar Baes at Jaycee Kevin Rodriguez, kapwa 17-anyos at mga residente ng Brgy. Red V, Lucena City. Sugatan din sa nasabing aksidente sina Dominador Redona at Rommel Ofrenio na kapwa isinugod sa United Candelaria Doctor’s Hospital.
Ayon sa police report, binabagtas ng traysikel ang Maharlika Highway sa Brgy. Malabanban Norte nang banggain ng kasalubong na Tawtranco Bus (EWD-176) na minamaneho ni Jonathan Contreras bandang alas-2:30 ng madaling-araw. Arnell Ozaeta at Tony Sandoval
- Latest
- Trending