Dinukot na trader pinalaya na

MANILA, Philippines – Pinalaya na noong Miyer­kules ng gabi ang dinukot na negosyanteng Tsinoy sa Brgy. Marigalupa, Parang, Maguindanao, ayon sa ulat ng opisyal kahapon. 

Ayon kay P/Senior Supt. Willie Dangane, ang bik­timang si James Christopher de Asis Yap ay pitong araw na binihag ng mga tauhan ni Commander Tanto Ali ng Sarat kidnap-for-ransom group na sinasabing kaalya­do ng notoryus na  Pentagon KFR gang.

Ang biktima ay pinalaya matapos ang matagumpay na negosasyon ni ex- Mayor Tucao Mastura ng Sultan Mastura, sa mga kidnaper na sinasabing hindi nag­bayad ng ransom.

Nauna nang napaulat na humihingi ng P10 milyong ransom ang mga kidnaper ni Yap matapos dukutin sa Brgy. Limbo, Sultan Kudarat noong Huwebes (Mayo 7) ng gabi. Joy Cantos


Show comments