Dinukot na trader pinalaya na
MANILA, Philippines – Pinalaya na noong Miyerkules ng gabi ang dinukot na negosyanteng Tsinoy sa Brgy. Marigalupa, Parang, Maguindanao, ayon sa ulat ng opisyal kahapon.
Ayon kay P/Senior Supt. Willie Dangane, ang biktimang si James Christopher de Asis Yap ay pitong araw na binihag ng mga tauhan ni Commander Tanto Ali ng Sarat kidnap-for-ransom group na sinasabing kaalyado ng notoryus na Pentagon KFR gang.
Ang biktima ay pinalaya matapos ang matagumpay na negosasyon ni ex- Mayor Tucao Mastura ng Sultan Mastura, sa mga kidnaper na sinasabing hindi nagbayad ng ransom.
Nauna nang napaulat na humihingi ng P10 milyong ransom ang mga kidnaper ni Yap matapos dukutin sa Brgy. Limbo, Sultan Kudarat noong Huwebes (Mayo 7) ng gabi. Joy Cantos
- Latest
- Trending