ILOILO CITY, Philippines – Madugong kapistahan at binyagan ang sumalubong sa mga residente makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang jail guard na tumatayong isa sa ninong kung saan dalawang iba pa ang nasugatan kamakalawa ng umaga sa Barangay Agusipan sa bayan ng Badiangan, Iloilo.
Napuruhan sa ulo ang jail guard ng Iloilo Rehabilitation Center na si Gerry Cortuna, habang sina Loreto Consumo at Leo Parreno ay sugatan matapos mamaril ang limang kalalakihan sa bahay ni Ludovico Consumo sa Sitio Baong, ayon kay P/Senior Supt. Ricardo dela Paz.
Tugis naman ng pulisya ang mga suspek na sina Samuel Manajero, Rodney Peregrino, Eliseo Mabayag, Rolando Consumo, at isang alyas Reynan.
Base sa ulat, lumilitaw na pakay talagang patayin ng mga suspek ang may-ari ng bahay na si Ludovico subalit nadamay sa crossfire ang biktima kung saan tinangay pa ang kanyang service firearm na cal. 45 pistol.
“There is a dispute among the Consumos; in fact one of the suspects is also surnamed Consumo,”pahayag ni dela Paz.
May teorya ang pulisya na isa sa motibo ng krimen ay personal grudge. Ronilo Ladrido Pamonag