Pulis itinumba ng NPA
May 13, 2009 | 12:00am
MANILA, Philippines – Isa na namang pulis ang iniulat na napatay matapos ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa bisinidad ng Brgy. Nalsian Sur sa bayan ng Bayambang, Pangasinan kamakalawa. Limang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni SPO1 Renato Valencia ng Bayambang Police Station. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na lulan ng motorsiklo si SPO1 Valencia patungong himpilan ng pulisya sa bayan ng Bayambang nang dikitan at ratratin ng motorcycle-riding assassins. - Joy Cantos
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am