LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang lalaki na sinasabing most wanted dahil sa kasong multiple murder noong 2007 makaraang pagbabarilin at sunugin ng mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Curvada, Brgy. Pasig sa bayan ng Claveria, Masbate kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Edgar “Gayon” Nunez na sinasabing may nakabinbing warrant of arrest kaugnay sa kasong robbery at sinasabing nagpapanggap na kolektor ng NPA rebs. Napag-alamang kinaladkad ang biktima palabas ng kanyang bahay bago niratrat at sinunog ng mga rebelde. - Ed Casulla