^

Probinsiya

2 alalay nina Cuerpo at Cruz, muntik magbarilan sa flag-raising

-

RIZAL, Philippines – May posibilidad na dumanak ng dugo sa ba­yan ng Rodriguez, Rizal ka­pag hindi isinailalim sa PNP dahil sa kaguluhang naga­nap kahapon ng umaga sa flag-raising ceremony kung saan muntikang magbarilan ang kampo ng suspendidong Ma­yor Pedro Cuerpo at acting Mayor Jonas Cruz.

Dalawa sa alalay nina Mayor Cuerpo at Vice Mayor Cruz ang inaresto ng pulisya matapos na magsuntukan at magkatutukan ng baril sa gitna mismo ng flag-raising ce­remony sa tapat ng muni­sipyo ng Rodriguez. 

Kapwa dinisarmahan at pormal na kakasuhan ni P/Senior Supt. Ireneo Dordas, ang dalawa na sina Randy Ta­ram sa grupo ni Cuerpo at Ricardo Amata na tauhan na­man ni Cruz. 

Base sa police report, nag-aagawan sa mikropono sina Cuerpo at Cruz upang magtalumpati nang sumiklab ang tensyon kung saan si­nun­tok ni Amata ang isa sa kasa­mahan ni Cuerpo kaya nag­bunot ng baril si Taram at tutu­kan ang kampo ni Cruz. 

Dito na pumagitna ang pu­lisya na nakatalaga sa muni­sipyo at pinulong na­man ni Dor­das ang magka­bilang panig at ipinag-utos na rin ni Dordas ang gun ban sa bisini­dad ng munisipyo.

 “Igigiit namin ang aming police powers para pumasok at magpanatili ng peace and order kung kapwa mabibigo ang magkabilang panig na disipli­nahin ang kanilang mga taga­su­nod,” pahayag pa ni Dordas.

Matatandaan na una nang sinuspinde ng Sandi­ganba­yan si Mayor Cuerpo ng 90-araw dahil sa kinaka­harap na kasong iligal na pagpapa-demolish ng mga kabahayan kung saan itina­laga ng De­part­ment of the Interior and Local Government si Cruz bilang acting  mayor.

Sinabi naman ni Cuerpo na nagpalabas na ng utos ang Malacañang na ibitin ang pagpapatupad ng suspension order na hindi naman kinikilala ng kampo ni Cruz. (Danilo Garcia)


CRUZ

CUERPO

DANILO GARCIA

DORDAS

IRENEO DORDAS

MAYOR CUERPO

MAYOR JONAS CRUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with