Sulu encounter: 20 Abu tumba

MANILA, Philippines – Matapos mapatay ang apat na pulis kabilang na ang Sulu police director na si P/Senior Supt. Julasirim Kasim at utol nitong lalaki, gumanti naman ang tropa ng militar at pulisya kung saan aabot sa 20 bandidong Abu Sayyaf ang nasawi habang aabot naman sa sampung iba pa ang grabeng  nasugatan sa umaatikabong sagupaan kamakalawa sa bayan ng Maimbung, Sulu.

Sa phone interview, si­nabi ni P/Senior Supt. Ba­yani Gu­cela, spokesman ng Western Mindanao-Directorate for Integrated Police Operations, bagaman na­patay sa bakba­kan si Ka­sim, at tatlong iba pa umis­kor ang grupo ng na­sa­bing police official.

 “Based on our human intelligence, a total of 20 Abu Sayyaf was killed in the operations  and at least ten seriously injured as we are bent to rescue the remaining Italian hostage Eugenio Vagni,” dagdag pa ni Gucela. 

Kinumpirma rin ni Gucela na maliban sa napatay na li­der ng Abu Sayyaf na si Sa­hibul Dahim ay namataan din sa encounter site si Gafur Jum­dail, pamangkin ni Abu Jum­ dail alyas Doc Abu Pula, isa sa mga wanted na ban­di­do na sinasabing may hawak nga­yon sa Italyanong si Vagni.

Base sa tala ng pulisya, na nagtungo sa nabanggit na lugar ang grupo ni Kasim matapos makatanggap ng ulat na itinatago ng pangkat ni Doc Abu Pula ang Italya­nong bihag.

Gayon pa man, papasok pa lamang sa bisinidad ng Brgy. Bulabog sa bayan ng Maimbung, ang grupo ni Kasim nang tambangan ng mga bandido na nauwi sa madugong bakbakan.

Napatay si P/Senior Supt. Kasim, security escorts nitong sina SPO3 Asbi Jam­mahari, SPO3 Abdulwahid Abdurajon at kapatid nitong si Rosalin Ka­sim na sakay ng police vehicle. 

Base sa ulat ng opisyal, ang pagkakatuklas sa pag­kakapatay sa may  20  bandi­do ay bunsod na rin ng follow-up operation ng militar at pulisya sa pagkamatay ni Supt. Kasim.

Samantala, puspusan rin ang negosasyon para sa pagpapalaya  kay Vagni at nagdagdag pa ng negos­yador si Sulu Governor Ab­dusakur  Tan para makipag-ugnayan sa mga kidnaper. (Joy Cantos)


Show comments