MANILA, Philippines - Nahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang isang police trainee kaugnay sa reklamong pamboboso ng isang babaeng opisyal sa Camp Martin Delgado ng police regional office - 6 sa Iloilo City noong Huwebes ng gabi.
Kinilala ang suspek na si PO1 Rolando de la Cruz.
“P/Chief Supt. Isagani Cuevas, the regional director ordered to speed up the investigation including the filing of administrative and criminal charges ,” pahayag ni P/Senior Supt. Ranulfo Demiar, spokesman ng PRO-6.
Nabatid na pansamantalang nakituloy ang suspek sa PRO6 Camp Martin Delgado Headquarters habang naghihintay sa pagsailalim nito sa training ng Regional Mobile Group sa Victorias City.
Napag-alaman na isang police source ang nagsiwalat na ang suspek ay naaktuhang ni P/Inspector Barrientos na namboboso sa babaeng opisyal, na may ranggong chief inspector, ha bang naliligo sa Bachelor Officers Quarters ng Camp Delgado. Joy Cantos