Most wanted arestado

BATAAN, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang itinuturing na ika-11 most wanted person na sinasabing pa­ngu­nahing suspek sa pagpatay sa apat na miyembro ng Bantay Gu­bat makaraang maaresto sa isinagawang follow-up operation kamakalawa ng madaling-araw sa bisinidad ng Sitio Bayangin sa Brgy. Alas-Asin, Mariveles, Bataan. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Damaso Asuncion Jr. ng Mariveles Municipal Trial Court, naaresto ang suspek na si Ramon Francisco y Salonga, 27. Si Francisco ang itinuturong pumaslang sa apat na miyembro ng Bantay-Gubat noong Dec. 5, 2003 sa ka­bun­dukang bahagi ng Alas-Asin. Walang inirekomendang piyansa ang korte sa akusado. Jonie Capalaran

Show comments