TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Matapos ang dalawang buwan na suspension dahil sa kasong abuse of authority ay nagbalik sa serbisyo noong Lunes ang kilalang anti-mining na alkalde ng bayan ng Buguey, Cagayan.
Sa pahayag ni Mayor Ignacio Taruc, na ipagpapa tuloy pa rin niya ang sinimulang laban upang tutulan ang controversial black sand mining o magnetite extraction project sa kanyang nasasakupang bayan.
“We will continue to oppose any activities that would endanger the lives of our constituents and the future of our environment, our supporters even staged a vigil to express their opposition to any destabilization attempts that would prevent my return,” dagdag ni Mayor Taruc.
Noong Marso 2009 ay pinatawan si Taruc ng 60-day preventive suspension ng mga miyembro ng provincial board batay sa kasong abuse of authority na inihain ni Vice Mayor Licerio Antiporda III dahil sa pagkakasibak sa ilang kawani ng munisipyo.
Subalit, naniniwala ang mga tagasuporta ng nasabing alkalde at ang Simbahang Katoliko na ang suspension ay may kinalaman sa pagtutol ni Mayor Taruc sa black sand mining na naunang binigyan ng pahintulot ng provincial government.
Samantala, pinasalamatan naman ni Taruc si DENR Secretary Lito Atienza matapos magpalabas ng suspension order noong Abril 22 upang itigil ang pagmimina sa nasabing bayan.
“The Department of Environment and Natural Resources (DENR) had suspended the black sand mining project in our town for violations of Batas Pambansa 256, which prohibits mineral extraction within 200 meters from the coastline,” pahayag pa ni Taruc. Victor Martin