^

Probinsiya

26 dayuhan kinasuhan

-

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines Umaabot na sa 26 dayuhan ang tuluyang kinasuhan dahil sa ilegal na pagpasok at pangingisda sa karagatan ng Batanes.

Ayon sa pamunuan ng Bu­ reau of Fisheries and Aqua­tic Resources, na na­nguna sa multi-sectoral Anti-Poaching Task Force, ang mga dayuhang Vietnamese, Taiwanese at Chinese) ay naaresto sa mag­kakahiwalay na lugar sa Ba­tanes.

“The foreign fishermen were already (criminally and administratively) charged for illegal fishing and poaching which is in violation of the Fisheries Code of the Philippines (particularly Section 87 of Republic Act No. 8550),” pahayag ni Dr. Jovita Ayson, BFAR director ng Cagayan Valley.   

Unang naaresto ang siyam na mangingisdang Vietnamese sa karagatan ng Sabtang Island, Bata­nes, sinundan ng 12 iba pang Vietnamese at ang pinakahuli ay 5 Taiwanese at Chinese na kapwa naak­tuhan sa karagatan ng Ba­tanes at nagsagawa ng ilegal na pangingisda.

Noong 2008 ay uma­abot naman sa 100 dayu­han ang napatunayang guilty at kasalukuyang nakakulong dahil din sa ilegal na pagpasok at pa­ngingisda. Victor Martin

vuukle comment

ANTI-POACHING TASK FORCE

AYON

BATA

CAGAYAN VALLEY

DR. JOVITA AYSON

FISHERIES AND AQUA

FISHERIES CODE OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC ACT NO

SABTANG ISLAND

SHY

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with