Magsasaka gutay sa bomba

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Ha­los magutay ang kata­wan ng isang magsasaka mata­pos masabugan ng bomba na kanyang dinala sa pag-aaring kubo sa Ba­rangay Ba­gumbayan sa bayan ng Pre­sident Qui­rino, Sultan Kuda­rat kama­kalawa.

Bandang alas-11:30 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ni Ruben Patiag matapos sumabog ang bomba na sinasabing napulot nito.

Ayon sa salaysay ng mga kasama ni Patiag, bago na­ganap ang pag­sabog, isang ’di-pa mala­mang uri ng bom­ba ang nakita nila sa semen­teryo malapit sa kanilang bu­kid. Napag-alamang dinala ni Patiag ang bomba sa pag-aaring kubo sa gitna ng pa­layan kung saan sina­sabing inilagay sa ilalim ng kawa­yang kama bago nagpahinga ang magsa­saka.

Malalim na palaisipan sa pulisya kung paano napunta sa bukid ng bik­tima ang bomba. Malu Cadelina Manar

Show comments