Hospital owner pinabulagta
BULACAN, Philippines – Nagmistulang gulay na bumulagta ang isang hospital owner makaraang barilin sa batok ng ’di-pa kilalang lalaki kahapon sa gate ng kanilang bahay sa Barangay Tangos, Baliwag, Bulacan.
Sa mismong pag-aaring Sagrada Familya Hospital natapos ang buhay ni Marcelo Raymundo matapos mapuruhan ng bala ng baril sa batok.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:45 ng umaga habang papalabas ng kanyang bahay si Reymundo na mister ni Dr. Erlinda Raymundo nang lapitan at barilin ng isang lalaki na nakasuot ng kulay dilaw na jacket at bullcap.
Napag-alamang katabi lamang ng kanyang bahay ang pag-aaring ospital kung saan mabilis na nakapuga ang gunman na sakay ng motorsiklo.
Sinisilip ng mga imbestigador ang anggulong paghihiganti ng ilang kamag-anak ng mga pasyente ng nasabing ospital na pinaniniwalaang napagsabihan ng biktima kaugnay sa pagbabayad ng hospital bill.
- Latest
- Trending