Bagsak sa buntal

MANILA, Philippines – Nagkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang mag­suntukan sina Danny Boy Conde, 34-anyos, at Jose Gon­zaga, 34-anyos, nang magkasalubong sila ng landas sa Barangay Don Jose Aguirre, Manukan, Zamboang del Norte kamakalawa. Bumulagta si Conde sa suntok na tu­mama sa kanyang mukha na dahilan para humampas ang kan­yang ulo sa isang matigas na kahoy na siya niyang iki­nasawi. Nadakip naman ng pulisya si Gonzaga. (Joy Cantos)


Show comments