^

Probinsiya

Rebelyn rape-slay suspek todas sa NPA

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Isa sa umano’y mga suspek sa pagdukot, pag­patay at panggagahasa sa isang titser na anak ng isang lider ng New Peo­ple’s Army ang pinagba­baril hanggang mapaslang ng mga hinihina­lang mi­yembro ng hit squad ng NPA sa J.P. Laurel, Da­vao del Norte nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Ruben Bitang, empleyado ng City Environment and Natural Resources at residente ng Panabo City sa naturang lalawigan.

Sinabi ng NPA-Southern Mindanao Regional Committee sa pamama­gitan ng ipinalabas nitong pahayag na si Bitang ang driver uma­no ng van na ginamit ng mga suspek sa pagdukot at pag­paslang kay Rebelyn Pitao sa Davao City noong Marso 5.

Ang biktima ay anak ni Leoncio Pitao alyas Kuman­der Parago na isa sa mga lider ng NPA sa Mindanao.

Sa inisyal na imbestigas­yon ni PO2 Dennis Persigas ng Panabo City Police Station, pauwi na si Bitang sa ta­hanan nito nang pagba­barilin at mapatay noong gabi ng Mayo 3 sa Purok Cogon 3, Brgy. J.P. Laurel.

Ang mga suspect ay lu­lan umano ng asul at dilaw na Honda XRM nang su­mulpot sa lugar at pagba­barilin ang biktima na agad binawian ng buhay sa tina­mong mga tama ng bala ng cal. 45 pistol.

Inako ni Ka Simon San­tiago, Regional Political Officer ng NPA-SMRC ang pagpaslang kay Bitang.


vuukle comment

BITANG

CITY ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DAVAO CITY

DENNIS PERSIGAS

KA SIMON SAN

LEONCIO PITAO

NEW PEO

PANABO CITY

PANABO CITY POLICE STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with