Gym instructor nalunod
BATAAN, Philippines – Isang 29-anyos na gym instructor at sinasabing bihasang lumangoy ang iniulat na namatay makaraang malunod sa Montemar Beach Club Incorporated sa Barangay Pag-asa sa bayan ng Bagac, Bataan kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay si Jarwin Cruz y Alfonso ng Santolan Road, Pasig City. Napag-alamang nagkayayaan ang magkakamag-anak kabilang na ang biktima na maligo sa nabanggit na beach. Naiwang mag-isa ng biktima habang umahon naman sa beach ang ilang kamag-anak nito. Dito na napadako sa malalim na bahagi ng beach resort ang biktima at tuluyang nilamon ng tubig. Jonie Capalaran
- Latest
- Trending