15 bakasyunista na-engkanto

BAGUIO CITY, Philippines – Pinaniniwalaang na-engkanto ang may 15 bakasyunista mula sa Makati City na nawala at nagpa-ikut-ikot sa highway matapos mahulog ang sina­sakyan nilang van sa bangin sa kahabaan ng circumferential road sa Suello Village noong Biyernes ng hapon sa Baguio City.

Kabilang sa mga sugatan ay sina Louis Mendoza (driver); Diether  Mendoza, Kim Santos, Harvey Men­doza, Dame Mendoza, Darwin Mendoza, Paulo Men­doza, 6-month old; Lucky Santos, Estrelita Santos, Ronny Mendoza, Darrel Mendoza, Love Mendoza; Sherwin Mendoza, Cecilia Mendoza, at si Niño Mendoza.

Napag-alamang nawalan ng preno ang van ng mga biktima sa kahabaan ng Marcos Highway saka kumanan sa Suello Village patungong Circumferential Road nang maganap ang mishap.

Nagkataon naman may mga construction worker sa nabanggit na lugar at naligtas sa tiyak na kapa­ha­makan ang mga biktima. Nagtataka rin ang mga rescuer kung bakit kumanan ang van sa Suello Village, kung wala silang na encounter na engkanto dahil malayo ang ka­nilang nalakbay sa kanilang direksyon. Artemio Dumlao

Show comments