^

Probinsiya

4 sugatan sa plane crash

-

PULILAN, Bulacan, Philippines – Apat-katao kabilang ang tatlong Arabong estud­yante ang iniulat na nasu­gatan makaraang bumag­sak ang isang pribadong eroplano sa bakanteng lote sa Barangay Tenejero sa bayan ng Pulilan, Bulacan kamakalawa.

Naisugod sa Our Lady Of Mercy Hospital at Good Shepherd Hospital ang mga biktimang sina Captain Richard Barredo ng Cavite City, at mga Ara­bong estudyante na sina Majedsal Bahasan, Khalid Jamal Al Farsoti at si Mu­hammad Misky na nag­tamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Bandang alas-9:25 ng umaga nang mag-takeoff ang Cessna 172 single engine (RP-C8693) ni Capt. Barredo mula sa Plaridel Airport para turuang mag­pali­pad ng eroplano ang tatlong Arabo.

Subalit ilang minuto pa lamang nasa ere ay  bigla na lang nasiraan ang ero­plano at unti-unting bumu­lusok bago sumabit sa punongka­hoy at bumagsak sa bakan­teng lote na pag-aari ni Rene Sevilla.

Kasalukuyang iniimbes­ti­gahan ng mga kinauuku­lang ahensya ng pama­halaan ang naganap na plane crash. Boy Cruz

BARANGAY TENEJERO

BOY CRUZ

BULACAN

CAPTAIN RICHARD BARREDO

CAVITE CITY

GOOD SHEPHERD HOSPITAL

KHALID JAMAL AL FARSOTI

MAJEDSAL BAHASAN

OUR LADY OF MERCY HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with