Todas sa suntok

BALAGTAS, Bulacan, Philippines — Isang 33-anyos na mister na si Roderick Reyes ng Northville 6, Barangay Santol, ng bayang ito ang nasawi makaraang suntukin ng kanyang kaalitan sa labas ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi.

Agad na tumakas ang suspek na si Leonel Malaguiño, 24, may-asawa at residente ng Sitio Galas, Barangay Pulong-Gubat sa bayan ding ito.

Nauna rito, nakikipagtalo si Reyes sa kapitbahay niyang si Roland Capisonda nang dumating at makialam si Mala­guiño.

Hinamon ni Malaguiño ng suntukan si Reyes na nag­paunlak naman. Pero, dahil bihasa sa boksing ang suspek, agad na natamaan nito ng suntok sa panga ang biktima na agad bumuwal at nawalan ng malay.

Kaagad na dinala ang biktima sa Balagtas Doctor’s Hospital upang malapatan ng lunas subalit hindi na rin nasagip ng mga duktor ang buhay nito. (Boy Cruz)

Show comments