MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis ang pinagtulungang bugbugin at tinangayan ng motorsiklo ng dalawang binansagang ma ton sa San Fernando, Cebu.
Kinilala sa naantalang ulat kahapon ng pulisya ang biktima na si PO1 Dave Agcol, 32-anyos, nakatalaga sa Provincial Headquarters Service Group.
Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Peter Abaquita at Joel Abaquita, kapwa residente ng Mojon, Langtad, Naga City, Cebu.
Lumilitaw sa imbestigasyon na nagtungo si Agcol sa Sitio Lakaron, Barangay Pitalo, San Fernando para bawiin ang naisanglang cellphone ng kanyang asawa nang pagtulungan siyang bugbugin ng mga suspek. Tinangay din ng mga ito ang kanyang motorsiklo at .45 kalibreng pistola.
Nahaharap sa kasong robbery, direct assault at carnapping ang mga pinaghahanap na suspek. (Joy Cantos)