^

Probinsiya

Laptop ni Francis Magalona, sinikwat

-

RIZAL, Philippines – Nagpalabas ng pabuya ang misis ng na­mayapang King of Rap na si Francis Magalona sa sinumang makapagbabalik ng laptop computer ng kan­yang yumaong mister matapos nakawin sa loob ng kanilang bahay sa Anti­polo City, Rizal.

Sa reklamo ni Pia Ma­galona, 38, sa himpilan ng pulisya, dakong alas-10 kamakalawa ng gabi nang madiskubre nila ang pag­kawala ng Apple laptop computer sa kanilang bahay sa Cherry Wood, Cottonwood Heights Subdivision sa Barangay San Luis.

Ayon kay PO3 Rodel Druja, na naiwang walang tao ang bahay ng pamilya Magalona nang samanta­lahing nakawin ang laptop computer na personal na pag-aari ni Francis Ma­galona.            

Nagpahayag pa ng pagkadismaya ang pamilya Magalona sa seguridad ng subdibisyon dahil sa ma­raming insidente ng na­kawan ang nagaganap subalit hindi maresolba ng mga security guard at maging ng pulisya.

Handa namang mag­bigay ng pabuya si Pia sa sinumang mag-kaka­pag­sauli ng laptop sa ka­nila na napakaimpor­tante dahil sa nakaimbak na mga im­pormasyon na mismong ang Hari ng Rap ang lu­mikha. - Danilo Garcia

vuukle comment

BARANGAY SAN LUIS

CHERRY WOOD

COTTONWOOD HEIGHTS SUBDIVISION

DANILO GARCIA

FRANCIS MA

FRANCIS MAGALONA

KING OF RAP

MAGALONA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with