Obrero nagbigti sa kahirapan

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Pinaniniwalaang kahirapan sa kabuhayan ang isa sa motibo kaya nagbigti ang isang 24-anyos na obrero sa kanyang boarding house sa Villa­marzo Street, Kidapawan City kamakalawa ng gabi. Bandang alas-6 ng gabi nang matagpuang nakabitin sa kisame ng boarding house gamit ang seat belt sa leeg ni Joseph Villanueva Sales. Ayon kay P/Insp. Benjamin Mauricio, hepe ng intelligence division ng Kidapawan City PNP, na narekober ang suicde note ng biktima na naglalaman ng kanyang hinanakit sa buhay dahil sa kahirapan. -

Malu Manar

Show comments