ORMOC CITY, Leyte, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang babaeng kawani ng Department of Education (DepEd) makaraang barilin sa ulo ng ’di-pa kilalang lalaki sa mahjongan den noong Linggo ng gabi sa panulukan ng Carlos Tan at Mabini Street sa Ormoc City, Leyte.
Kinilala ni SPO4 Rudy Sano, homicide chief ng PCP1, ang biktima na si Jo sephine Teleron y Rosal, 52, separated, clerk sa DepEd Ormoc City division at residente ng Brgy. Alegria.
Napag-alamang magdamag na nag-mahjong ang biktima sa bahay ng mag-asawang Oscar at Elsa Laguitan bago tumigil dahil sa patuloy na natatalo.
Ayon sa police report, na nagpasama ang biktima sa kaibigan para makipag-chatting sa Internet Café hanggang sa muling bumalik sa mahjong den ng mag-asawang Laguitan.
At dahil sa okupado na ang dalawang mesa ng mahjo ngan ay nanood na lamang ang biktima habang nakatayo sa likuran ng isang alyas Patricio matapos maghapunan.
Sa hindi inaasahang pag kakataon ay biglang umalingawngaw ang malakas na putok na inakala naman ng mga manlalaro ng mahjong ay sumabog na transformer ng poste ng kuryente.
Dito na namataan ang biktima na bumulagta at umaagos ang dugo sa bibig dahil sa tama ng bala ng baril sa kanang sintido na lumagos sa kaliwa.
Kaagad naman nagpulasan sa iba’t ibang direksyon ang mga manlalaro ng mahjong dahil sa takot na madamay habang namataan naman palakad na lumayo ang gunman patungo sa naghihintay na habal-habal motorcycle.
Kasalukuyan naman blangko pa rin ang pulisya sa naganap na pamamaslang sa biktima.