^

Probinsiya

Kawani ng DepEd itinumba

- Ni Roberto Dejon -

ORMOC CITY, Leyte, Philippines – Brutal na kamatayan ang si­napit ng isang babaeng ka­wani ng Department of Education (DepEd) maka­raang barilin sa ulo ng ’di-pa kila­lang lalaki sa mahjo­ngan den noong Linggo ng gabi sa pa­nu­lukan ng Car­los Tan at Mabini Street sa Ormoc City, Leyte.

Kinilala ni SPO4 Rudy Sano, homicide chief ng PCP1, ang biktima na si Jo­ sephine Teleron y Rosal, 52, separated, clerk sa DepEd Ormoc City division at resi­dente ng Brgy. Ale­gria.

Napag-alamang mag­da­mag na nag-mahjong ang bik­­tima sa bahay ng mag-asa­wang Oscar at Elsa La­guitan bago tumigil dahil sa patuloy na nata­talo.

Ayon sa police report, na nagpasama ang biktima sa kaibigan para makipag-chatting sa Internet Café hang­gang sa muling bu­malik sa mahjong den ng mag-asa­wang Laguitan.

At dahil sa okupado na ang dalawang mesa ng mahjo­ ngan ay nanood na lamang ang biktima ha­bang nakatayo sa likuran ng isang alyas Pa­tricio matapos maghapunan.

Sa hindi inaasahang pag­ kakataon ay biglang umali­ngawngaw ang ma­lakas na putok na inakala naman ng mga manlalaro ng mahjong ay sumabog na transformer ng poste ng kuryente.

Dito na namataan ang bik­tima na bumulagta at uma­agos ang dugo sa bibig dahil sa tama ng bala ng baril sa kanang sintido na luma­gos sa kaliwa.

Kaagad naman nagpu­lasan sa iba’t ibang direk­syon ang mga manlalaro ng mah­jong dahil sa takot na mada­may habang na­ma­taan na­man palakad na lumayo ang gunman pa­tungo sa nag­hihin­tay na habal-habal motorcycle.

Kasalukuyan naman blang­ko pa rin ang pulisya sa naganap na pamamas­lang sa biktima.


AYON

BRGY

DEPARTMENT OF EDUCATION

ELSA LA

INTERNET CAF

LEYTE

MABINI STREET

ORMOC CITY

RUDY SANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with