BATANGAS, Philippines – Karit ni kamatayan ang sumalubong sa isang barangay captain makaraang ratratin ng mga di-pa kilalang kalalakihan kahapon ng umaga sa Barangay Sambat, Tanauan City, Batangas. Kinilala ni P/Supt. Willy Atun, ang biktimang si Chairman Rollie Vivas, 42, ng Barangay Natatas sa Tanauan City.
Base sa police report, papauwi na si Vivas sakay ng motorsiklo mula pagpupulong sa Tanauan City Hall nang pagbabarilin sa kahabaan ng national highway sa pagitan ng Brgy. Sambat at Brgy. Natatas. Sa naging panayam ng PSNgayon kay Sammy Platon, pangulo ng Association of Barangay Captain, may mga natatanggap na death threat si Vivas bago pa naganap ang pananambang.
Narekober naman ang motorsiklong ginamit ng mga suspek ilang metro lang ang layo sa Sambat Startollway exit kung saan nakuha naman sa crime scene ang apat na basyo ng bala ng baril. (Arnell Ozaeta)