MANILA, Philippines - Kalaboso ang binagsakan ng isang magsasaka makaraang arestuhin ng pulisya dahil sa reklamo ng pang-aabuso laban sa dalawang dalagita na sinasabing anak ng kanyang ka-live-in sa Cauayan City, Isabela.
Pormal naman kinasuhan habang nakakulong ang suspek na si Romulo Rodriguez ng Barangay Mapalad, San Agustin, Isabela.
Sa reklamo ng dalawang biktima na may edad 15 at 16-anyos, nagsimula ang panghahalay sa kanila ng suspek noong 2001 hanggang 2007 at hindi naman nila maipagbigay-alam sa kanilang lolo dahil sa pagbabanta sa kanilang buhay.
Ayon sa pulisya, naipagbigay-alam sa kinauukulan ang krimen matapos maglakas-loob ang dalawang dalagita sa sinapit sa kamay ng suspek. (Ricky Tulipat)