Mister sinunog ang sarili

LEGAZPI CITY, Philippines – Nag­pa­­salubong mismo kay ka­matayan ang isang 50-an­yos na mister maka­raang si­nilaban ang sarili dahil sa pag­kabigo sa pag-ibig sa ni­liligawang biyuda kama­ka­lawa ng gabi sa Ba­rangay Bi­na­nuahan sa Ligao City, Albay.

Kinilala ng pulisya ang nag-suicide na si Emma­nuel Allorde ng Barangay Gilid sa nabanggit na lung­sod.

Samantala, nakilala na­man ang niligawan ni Allor­de na si Emie Garcia, 49, biyuda at principal sa Bo­nga Elementary School sa nasa­bing barangay.

Base sa police report na nakarating sa Camp Si­meon Ola, lumilitaw na nag­tungo sa tahanan ni Garcia si Allorde na may bitbit na galon ng ga­solina at nagsisi­gaw sa galit kung saan nag­pumilit na pu­ma­sok sa ga­rahe ng bi­yuda.

Nang makapasok ay bi­nuhusan ng gasolina ang na­kaparadang owner-type jeep (EBE 112) ng biyuda saka si­ni­laban.

Kasunod nito, ay binu­hu­­­san din ni Allorde ang sa­rili ng gasolina saka sinila­ban.

Dito na namataan ng bi­yu­da, si Allorde na nag­liliyab ang buong katawan habang tuma­takbo papa­sok ng ka­nilang compound.

Kaagad naman naka­res­­ponde ang pulisya kung saan naabutang naglilili­yab ang katawan ni Allorde at ang jeep sa compound ng biyuda.

Nabatid sa inisyal na ulat ng pulisya, na si Allor­de ay ma­tagal nang nan­liligaw sa biyuda subalit nabasted kaya pinaniniwa­laang nag­kimkim ng galit at isinagawa ang krimen.

Show comments