BULACAN, Philippines – Nagwakas na kahapon ang mahabang panahong pagtatago sa batas ng isang lolo na sinasabing nanghalay ng kanyang among lola sa Brgy. Bulaong sa bayan ng San Miguel, Bulacan. Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Basilio Gabo Jr. ng Malolos City Regional Trial Court Branch 11, naaresto ang suspek na si Rodolfo Nazar, 67. Napag-alamang naibenta ang mga inaalagaang baboy ni Nazar ng hindi niya nalalaman at hindi siya binigyan ng parte ng lola. Dahil sa matinding galit ni Nazar sa kanyang amo ay pinasok niya ang bahay kasama ang isa pang lalaki para pagnakawan at gahasain ang matanda bago tumakas at magtago ng may labindalawang taon. Naaresto ang kasama ni Nazar ngunit namatay ito sa loob ng piitan sa hindi malamang dahilan. -
Boy Cruz