^

Probinsiya

Kolorum van protektado

-

CAVITE, Philippines – Dahil sa ma­laking halaga ng payola, pinaniniwalaang protek­tado ng ilang opisyal ng pu­lisya sa Camp Pantaleon Garcia sa bayan ng Imus at lokal na sangay ng Land Transportation Office (LTO) ang patuloy na modus operandi ng mga kolorum na pampasaherong van sa bayan ng Bacoor, Cavite.

Pangunahing sanhi ng pollution at pagsisikip ng trapik sa Cavite at karatig pook ang operasyon ng libu-libong kolorum van at maging ang mga pasahero ay nalalagay sa kapaha­makan dahil sa kawalan ng insurance kapag naaksi­dente.  

Napag-alamang uma­abot sa P.1 milyong kolek­syon kada araw mula sa mga kolorum na van na may rutang Bacoor patu­ngong Maynila ang ibi­nibigay sa mga tiwaling opisyal ng pulisya at LTO para ma­ipag­patuloy ang operas­yon.

Karamihan sa mga ko­lorum van na may nakadikit na sticker ng PNP at LTO ay may terminal sa loob at harapan ng Camella Spring­ville Subd. sa Brgy. Molino 4, Bacoor, Cavite.

Ilan din sa mga kolorum ay namumugad sa gilid at likurang bahagi ng Jolibee sa Brgy. Molino 3 sa bisi­nidad ng Gardenia Valley Subd. maging sa harapan ng SM Molino sa Petron Gas Station at sa Baha­yang Pag-asa na sakop naman ng Imus.

Kabilang sa mga kolo­rum van ay ang mga pla­kang REC 122, ZMF 325, TMS 258, MMU 560, WRB 983, WHL 467, ZSD 351 at ang RCH 866.


BACOOR

BRGY

CAMELLA SPRING

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

GARDENIA VALLEY SUBD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MOLINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with