42 rescuer nasagip

MANILA, Philippines - Nasagip kahapon ang 42 miyembro ng rescue and retrieval team na naistran­ded dahil sa baha sa Bag­gao, Cagayan habang tu­mu­tulong sa paghahanap sa mga biktima ng pagbagsak ng isang Chemtrad plane sa naturang lugar noong Abril 14.

Sinabi ni Police Regional Office 2 Director Chief Superintendent Roberto Da­mian na ligtas na nailipad sa Tugue­ garao City ang mga rescuer.

Lima sa mga ito ay di­nala sa ospital matapos na magtamo ng sugat sa paa bunga ng matatalim na bato sa bundok sa landing site ng helicopter.

Nakuha sila ng mga ta­ uhan ng Philippine Air Force.

Bunga ng masamang pa­nahon, hindi nagawang balikan kaagad ng mga helicopter ang mga rescuer kung saan ay ilang araw ang mga itong stranded sa lugar. (Joy Cantos)

Show comments