MANILA, Philippines - Limang pinaghihinalaang big time drug dealer ang nadakip ng pulisya sa isinagawang drug bust operations sa Calamba City kamakalawa ng ha pon.
Ayon kay Police Regional Office 4A Director Chief Supt. Perfecto Palad, ang naarestong si Erwin Banzon na matagal nang tinutugis ng Philippine Drug Enforcement Agency ay natukoy na siyang utak sa isang nakawan sa Starmall sa Sta. Cruz, Laguna noong Marso 20.
Kabilang pa sa mga nadakip na suspek sina Matthew Villanueva, Joseph Navarro, Alberto Viloan at Kenneth Arlegui.
Nasamsam sa mga suspek ang anim na sachet ng shabu, isang carbine, isang cal. 22 revolver, dalawang caliber. 38 pistol na puno ng mga bala, silencer ng cal. 45 pistol, anim na cellphones at tatlong motorsiklo kabilang ang isang Honda Civic na may plakang TNZ 377, at sari-saring uri ng mga barya. (Joy Cantos)