3 waray-waray napatay

MANILA, Philippines - Tatlong hinihinalang mga miyembro ng Waray-Waray robbery gang ang napatay ng mga tauhan ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group at Rizal Police Mobile Group sa Pililla, Rizal ka­hapon.

Kinikilala pa ng mga aw­toridad habang isinusulat ito ang pangalan ng mga suspek.

Dalawang babae at isa pang lalaki naman ang nasakote ngunit tumanggi muna ang pulisya na sa­bihin ang pangalan ng mga ito habang isinasailalim pa sa imbestigasyon.

Nakilala naman ang ka­nilang nabiktima at ni­loo­ban na si Jan Ray Beder, 74, Australian national at asawa nitong si Clarita Librado, ng Barangay Ba­yogo, Jala-Jala.

Nauna rito, nagtayo ng checkpoint ang pulisya nang makatanggap sila ng ulat hinggil sa pangho­hol­dap ng mga suspek sa Jala-Jala.

Pero, sa halip na hu­minto, nilagpasan ng mga suspek na lulan ng dala­wang kotse ang checkpoint na dahilan para habulin sila ng mga pulis hanggang sa maabutan sila sa national road, Barangay Malaya, Pililla at nagpalitan sila ng mga putok.

Show comments