2 tanod tinodas

RIZAL, Philippines — Dalawang barangay tanod ang iniulat na napaslang makaraang pagbabarilin ng dalawang ‘di-pa nakikilalang tinedyer na sinasabing mga holdaper, kahapon ng madaling-araw sa NHA Avenue, Sitio Broadway sa Barangay Dela Paz, Antipolo City, Rizal. Kabilang sa mga nasawi ay sina Raymundo Pia at Ramiel Deyto, habang naisugod naman sa Amang Rodriguez Medical Center ang dalawa pa nilang kasamahan na sina Romeo Deladia, 35; at Rizalito Caballero, 37. Sa police report, lumilitaw na nagpapatrulya ang mga biktima sakay ng traysikel nang mamataan ang dalawang tinedyer na may kahina-hinalang kilos. Nang tangkaing lapitan upang sitahin, dito na naglabas ng baril ang dalawa at walang habas na pinagbabaril ang mga tanod kung saan napuruhan sina Pia at Deyto.

Danilo Garcia

Show comments