Trader utas sa road mishap
ORMOC CITY, Leyte
, Philippines — Isang negosyante mula sa mayamang angkan ang kumpirmadong nasawi makaraang maipit sa loob ng kanyang sasakyan na nabangga ng truck sa kahabaan ng highway sa Brgy. Valencia, Ormoc City Leyte noong Miyerkules ng umaga. Kinilala ni P/Insp. Lito Wenceslao, hepe ng PP2, ang biktima na si Jose Kangleon y Serafica, 58, ng Bonifacio St. sa nabanggit na barangay.Pormal naman kakasuhan ang drayber ng trailer truck na si Dennis Sullano y Pepito, 38, ng Brgy. Cagbuhangin. Ayon kay SPO3 Leo Enalisan, lulan ng CJ5 Jeep (HAE-275) ang biktima patungong lungsod mula sa pagbisita sa kanyang sugarcane farm sa Kananga, Leyte nang masalpok ng trailer truck (JCD 452) sa blind curve.
Naisugod naman ng ilang motorista ang bktima sa OSPA hospital subalit idi neklarang patay. Inamin naman ni Sullano na dahil sa kalituhan ay natapakan niya ang accelerator imbes na preno kaya lalong nakaladkad ang sasakyan ng biktima. Roberto Dejon
- Latest
- Trending