^

Probinsiya

Comelec opisyal binoga sa ulo

-

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Kasalukuyang nakikipagbuno kay kamatayan ang isang opisyal ng Commisson on Elections (Comelec) makaraang barilin sa ulo ng motor­cycle-riding assassins sa kahabaan ng Gov. Gutierrez  Avenue sa Cota­bato City, Cotabato kamakalawa. Ki­numpirma ni Joel Celis, poll registrar ng President Roxas, North Cotabato, ang pag­baril kay Libungan election officer Atty. Lyndon Sanada Gutierrez, 42.

Napag-alamang papauwi na ang biktima nang ha­rangin at ratratin ng mga maskaradong kalalakihan.

Si Gutierrez ang ikalawang election officer na binaril sa North Cotabato nitong 2009.

Noong Abril 15, binaril at napatay si Francisco Me­cutuan, Jr., election officer ng Tulunan, North Cotabato, habang nagmamaneho ng kanyang multi-cab sa highway ng bayan ng M’lang, North Cotabato.

Sinasabing may kaugnayan sa pulitika sa bayan ng Tulu­nan, ang isa sa motibo sa pagpatay kay Mecutuan.

Napag-alamang ilang buwan bago siya napaslang, nadiskubre ni Mecutuan na libu-libong flying voter na nagmu­mula sa kalapit bayan ng Tulunan ang nagpatala sa Comelec.  

Nabatid na kinuwestyun ni Mecutuan ang pagpa­pa­tala ng mga flying voter na karamihan, ayon sa ulat, ay mga menor-de-edad. (Malu Manar)

COMELEC

FRANCISCO ME

JOEL CELIS

LYNDON SANADA GUTIERREZ

MALU MANAR

MECUTUAN

NAPAG

NORTH COTABATO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with